Hindi lang negosyo---May kababalaghan! Ryza Cenon, nagdeliver na, nagkuwento pa ng multong umaaligid kay Charo Cordial!
May 8, 2026
Ms. Charo Cordial of Maddox Jewelry and Ryza Cenon
Parehong mga negosyante, parehong wais—at parehong napapasilip sa produkto ng isa’t isa online! Nagkatagpo ang aktres na si Ryza Cenon na may YOU Bag business at ang “Queen of Diamonds” na si Charo Cordial ng Maddox Jewelry sa isang nakakatuwang tagpo na puno ng negosyo… at nakakakilabot na rebelasyon!
Nang makita raw ni Ryza at ng kanyang team na si Ms. Charo ang nag-order ng bag via TikTok, hindi na nagdalawang-isip ang aktres, siya na mismo ang nag-personal delivery! Ang dahilan? Hitting two birds in one stone!
Ayon kay Ryza, “Sakto po kasi, may papatingin din akong alahas, kaya ako na po ang nag-deliver.”
Laking gulat naman ni Ms. Charo nang malaman na ang aktres mismo ang nag-deliver!
“Nagulat ako na ikaw ang nag-deliver! Baka sabihin nila, lahat ikaw ang magde-deliver!” pabirong sey ng diamond queen.
Napatawa naman si Ryza at agad sumagot ng, “Hala! Hindi kakayanin!”
Pero hindi doon natapos ang kwentuhan! Sa kakausisa ni Ms. Charo, biglang napaamin si Ryza sa kanyang kakaibang kakayahan—ang pagkakaroon ng “third eye!”
Kuwento ng aktres, “Noong bata ako, mas malakas siya. May nakikita talaga ako sa harap ko o sa paligid. Ang lakas po talaga ng pagpaparamdam nila. Minsan kapag natutulog ako, sinisipa yung kama ko sa ilalim!”
Bagama’t sanay na raw siya at hindi na natatakot, ipinakonsulta na rin niya ito sa isang espiritista para ma-“close” ang third eye. Ngayon, pakiramdam na lang daw ang natitira—mga biglaang bigat o kakaibang presence.
Hindi rin nagpahuli sa chika ang iba pang napag-usapan nina Ms. Charo at Ryza—mula sa iconic role nito bilang Georgia sa Ika-6 na Utos, hanggang sa kanyang vertical series, buhay pamilya, at ang matagal nang tanong: bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakasal sa kanyang partner kahit may anak na sila?
Sa dami ng rebelasyon at kwelang usapan, mapapatanong ka na lang—hindi lang ba “Queen of Diamonds” si Ms. Charo, kundi future “Queen of Talk Show” na rin?
Para sa mas marami pang alahas tips at showbiz chika, tumutok lang sa YouTube: Maddox_Jewelry, at sa Facebook at TikTok: D Maddox Jewelry na may milyon nang followers!
Sa kabilang banda, dahil sa kasikatan ng Maddox, naglipana na rin ang fake accounts online! Paalala: maging mapanuri—ang official Facebook page lang ay D Maddox Jewelry.
At eto pa ang good news: may Maddox Showroom Sale ngayong May 7, 9, at 10.
Posted in:
Charo Cordial,
jewelries,
Maddox Jewelries,
Maddox sale,
Maddox Showroom sale,
Ryza Cenon

0 Amazing comments for "Hindi lang negosyo---May kababalaghan! Ryza Cenon, nagdeliver na, nagkuwento pa ng multong umaaligid kay Charo Cordial! "
Leave a reply