Mula Live Selling hanggang Diamond Empire: Charo Cordial, nagpasabog ng Star-studded Fashion Show!

August 7, 2026





Isang gabi ng kinang, fashion, at showbiz ang matagumpay na hatid ng Maddox Jewelry Iconic Runway: Diamond Jewelry Fashion Show 2026 na ginanap noong Hulyo 30 sa EDSA Shangri-La Manila. Pinangunahan ito ng Founder, President, at CEO ng Maddox Jewelry na si Charo Cordial, habang ang buong fashion spectacle ay idinirehe ng fashion director na si Robbie Carmona. 

Ms. Charo Cordial, CEO, President and Founder of Maddox Jewelry  in her fabulous evening gown during sa Maddox Jewelry Fashion Show



 Naging matagumpay ang engrandeng selebrasyon ng ika-limang anibersaryo ng Maddox Jewelry kung saan 41 celebrities ang rumampa sa apat na thematic runway segments—Icons of Forms and Radiance, Icons of Brilliance and Elegance, Icons of Timelessness, at Icons of Legacy—na tampok ang signature natural diamond collections ng brand. 











 Nagbigay-ningning sa runway ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa entertainment industry kabilang sina Optimum Star Claudine Barretto, Ara Mina, Pokwang, Beauty Gonzalez, Katrina Halili, Diana Zubiri, Geneva Cruz, Kris Bernal, AJ Raval, Aljur Abrenica, Diego Loyzaga, Jeric Raval, Roderick Paulate, Carmi Martin, Amy Austria, Jackielou Blanco, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Epy Quizon, James Blanco, Nadine Samonte, Regine Tolentino, Maureen Larrazabal, Aubrey Miles, Troy Montero, at marami pang iba na pawang supporters at loyal clients ng Maddox Jewelry. 







 Isa sa mga naging tampok ng gabi ang pagrampa ng celebrity couples na sina AJ Raval at Aljur Abrenica at Aubrey Miles at Troy Montero, habang humanga rin ang audience sa fierce runway walk ni Ryza Cenon, sa espesyal na natural diamond necklace na idinisenyo mismo ni Beauty Gonzalez, at sa eleganteng finale walk ng Optimum Star Claudine Barretto, na umani ng malakas na palakpakan mula sa mga dumalo. Ngunit higit pa sa kinang ng mga diyamante at presensya ng mga sikat na personalidad ang ipinagdiwang sa gabing iyon. 


Sa kanyang mensahe, binalikan ni Charo Cordial ang kanyang paglalakbay—mula sa pagiging anak ng isang magsasaka sa Bicol na nangarap lamang makapagtapos ng pag-aaral at maging engineer, hanggang sa pagtatatag ng Maddox Jewelry, na ngayon ay isa na sa mga pinagkakatiwalaang natural diamond jewelry brands ng maraming celebrities at customers sa buong bansa. Ibinahagi rin niya na nagsimula lamang ang Maddox Jewelry sa simpleng live selling noong panahon ng pandemya. 

Mula sa pagbebenta ng bags at gold jewelry, unti-unti itong lumago hanggang sa maging kilala sa natural diamond jewelry market. Sa kabila ng tagumpay, nananatili siyang nakaugat sa kanyang pinagmulan at patuloy na nagbibigay ng tulong sa kanilang komunidad sa Bicol, kabilang ang pagpapagawa ng pathway sa kanyang dating pampublikong paaralan upang mas mapadali ang pagpasok ng mga estudyante tuwing tag-ulan. Para kay Charo, ang Maddox Jewelry Iconic Runway 2026 ay higit pa sa isang fashion show. Isa itong pagdiriwang ng limang taon ng sipag, tiyaga, at mga pangarap na natupad, gayundin ng pasasalamat sa mga artistang, business partners, loyal clients, at supporters na naging bahagi ng paglago ng Maddox Jewelry.





 Sa tagumpay ng Maddox Jewelry Iconic Runway 2026, muling pinatunayan ni Charo Cordial na ang Maddox Jewelry ay hindi lamang tungkol sa natural diamond jewelry. Isa rin itong simbolo ng inspirasyon, dedikasyon, at paniniwalang ang bawat pangarap ay maaaring matupad sa pamamagitan ng tiyaga at determinasyon. Para sa iba pang updates, maaaring sundan ang official Facebook, TikTok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.
Posted in: , , , , , , , | Posted by :

Hindi lang negosyo---May kababalaghan! Ryza Cenon, nagdeliver na, nagkuwento pa ng multong umaaligid kay Charo Cordial!

May 8, 2026


Ms. Charo Cordial of Maddox Jewelry and Ryza Cenon 



Parehong mga negosyante, parehong wais—at parehong napapasilip sa produkto ng isa’t isa online! Nagkatagpo ang aktres na si Ryza Cenon na may YOU Bag business at ang “Queen of Diamonds” na si Charo Cordial ng Maddox Jewelry sa isang nakakatuwang tagpo na puno ng negosyo… at nakakakilabot na rebelasyon!

Nang makita raw ni Ryza at ng kanyang team na si Ms. Charo ang nag-order ng bag via TikTok, hindi na nagdalawang-isip ang aktres, siya na mismo ang nag-personal delivery! Ang dahilan? Hitting two birds in one stone!

Ayon kay Ryza, “Sakto po kasi, may papatingin din akong alahas, kaya ako na po ang nag-deliver.”

Laking gulat naman ni Ms. Charo nang malaman na ang aktres mismo ang nag-deliver! 

“Nagulat ako na ikaw ang nag-deliver! Baka sabihin nila, lahat ikaw ang magde-deliver!” pabirong sey ng diamond queen.

Napatawa naman si Ryza at agad sumagot ng, “Hala! Hindi kakayanin!”

Pero hindi doon natapos ang kwentuhan! Sa kakausisa ni Ms. Charo, biglang napaamin si Ryza sa kanyang kakaibang kakayahan—ang pagkakaroon ng “third eye!”

Kuwento ng aktres, “Noong bata ako, mas malakas siya. May nakikita talaga ako sa harap ko o sa paligid. Ang lakas po talaga ng pagpaparamdam nila. Minsan kapag natutulog ako, sinisipa yung kama ko sa ilalim!”

Bagama’t sanay na raw siya at hindi na natatakot, ipinakonsulta na rin niya ito sa isang espiritista para ma-“close” ang third eye. Ngayon, pakiramdam na lang daw ang natitira—mga biglaang bigat o kakaibang presence.

Hindi rin nagpahuli sa chika ang iba pang napag-usapan nina Ms. Charo at Ryza—mula sa iconic role nito bilang Georgia sa Ika-6 na Utos, hanggang sa kanyang vertical series, buhay pamilya, at ang matagal nang tanong: bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagpapakasal sa kanyang partner kahit may anak na sila?

Sa dami ng rebelasyon at kwelang usapan, mapapatanong ka na lang—hindi lang ba “Queen of Diamonds” si Ms. Charo, kundi future “Queen of Talk Show” na rin?

Para sa mas marami pang alahas tips at showbiz chika, tumutok lang sa YouTube: Maddox_Jewelry, at sa Facebook at TikTok: D Maddox Jewelry na may milyon nang followers! 

Sa kabilang banda, dahil sa kasikatan ng Maddox, naglipana na rin ang fake accounts online! Paalala: maging mapanuri—ang official Facebook page lang ay D Maddox Jewelry.

At eto pa ang good news: may Maddox Showroom Sale ngayong May 7, 9, at 10.



Posted in: , , , , , | Posted by :
Showing posts with label Charo Cordial. Show all posts
Showing posts with label Charo Cordial. Show all posts